Sunday, August 5, 2007

Lakay

Hindi ko sasabihing
minahal kita
dahil ang kahapon
ay masakit
at matagal ko nang
nililimot.
Hindi ko rin sasabihing
mamahalin kita
dahil ang bukas
ay di-tiyak
at mapanganib pangunahan.
Ngunit sasabihin kong
mahal kita--
hindi, minamahal kita--
dahil ang ngayon ay masaya
at tiyak,
na sa gabing ito'y
masasabi kong
minahal kita,
minamahal kita,
at mamahalin kita.

07.08.2007 23:09 kwarto

Wednesday, August 1, 2007

iyo lang ako.
na kung ako'y hindi iyo,
ako'y hindi pag-aari ng sinomang hindi ikaw.