Hindi ko sasabihing
minahal kita
dahil ang kahapon
ay masakit
at matagal ko nang
nililimot.
Hindi ko rin sasabihing
mamahalin kita
dahil ang bukas
ay di-tiyak
at mapanganib pangunahan.
Ngunit sasabihin kong
mahal kita--
hindi, minamahal kita--
dahil ang ngayon ay masaya
at tiyak,
na sa gabing ito'y
masasabi kong
minahal kita,
minamahal kita,
at mamahalin kita.
07.08.2007 23:09 kwarto
Sunday, August 5, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment