Monday, June 18, 2007

Traydor ang mga alaala

Traydor ang mga alaala.
Magpapaalam sa'yo
hanggang makalimot ka.
Pero eksakto. Sa puntong
sinabi mo na sa sarili mong
wala ka nang isasaya pa,
lilitaw siyang muli.
Na mula sa malayo pa lang
ay kilalang-kilala mo na.
At paglapit nito sa'yong harapan,
babalik ka sa pamilyar na lugar.
At ikaw ay mamamatay na naman.
Tuloy, takot ka nang maging masaya.
Pagkat traydor ang mga alaala.

*written on 5.24.07, 22:05, RNI.

No comments: