Monday, June 18, 2007

Unang Tula Para Kay Lakay

Hindi naman ikaw ang hiniling
pero ikaw pa rin ang dumating
at nanatili.
Pero ngayon
ako'y nagpapasalamat
na ikaw na ang aking
hinihiling
at pinipiling manatili.

At ako'y mananatili
kahit hindi mo hilingin.

*written on 04.15.07. Botolan, Zambales.

No comments: